Vanessa Hudgens magiging host ng 2022 MTV Movie & TV Awards

Vanessa Hudgens attends The 2022 Met Gala Celebrating “In America: An Anthology of Fashion” at The Metropolitan Museum of Art on May 02, 2022 in New York City. Dimitrios Kambouris/Getty Images for The Met Museum/Vogue/AFP 
Dimitrios Kambouris / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Nakatakdang maging host ng 2022 MTV Movie & TV Awards sa June 5, ang Fil-Am actress na si Vanessa Hudgens.

Ang seremonya ay gaganapin sa Barker Hanger sa Santa Monica.

Si Hudgens ay dati nang naging host ng MTV Movie & TV Awards: Greatest of All Time special noong 2020.

Sa gabi ng event ay ipi-prisinta rin ng MTV Movie & TV Awards ang kanilang reality television-focused Unscripted portion.

Sa movie categories ay nangunguna ang Spider-Man: No Way Home at Euphoria na kapwa may tig-pitong nominasyon, habang ang Drag naman ni Ru Paul ang nangunguna sa reality television categories na may apat na nominations.

Please follow and like us: