Voter registration sa Meycauayan, extended

Naglabas ng mahalagang paalala ang Commission on Election o COMELEC Office sa lungsod ng Meycauayan, Bulacan ukol sa extension o pagpapalawig ng pagpaparehistro mula Oktubre 11 – 30 taong kasalukuyan, para makaboto sa darating na halalan.

Ang pagtanggap ng magrerehistro ay mula Lunes hanggang Biyernes simula ika-8:00 ng umaga hanggang ika -5:00 ng hapon.

Sarado naman ang tanggapan ng COMELEC tuwing Sabado maliban sa ika- 30 ng buwang kasalukuyan.

Gaganapin ang pagpaparehistro sa Supima Square Commercial Complex, sa Barangay Malhacan simula ngayong araw.

Isa sa requirement na kinakailangan sa nasabing pagpaparehistro ay valid ID na may kumpletong address ng magpaparehistro.

Inaasahang dadagsain ito sapagkat marami ang hindi pa nakapagpaparehistro na inabutan na ng deadline nitong nakaraang Setyembre.

Paalala pa rin ng COMELEC na mahigpit na ipatutupad ang health protocol para sa mga magtutungo sa satellite registration.

Gerald dela Merced

Please follow and like us: