Voter’s registration sa mga lugar na isasailalim sa ECQ, magpapatuloy hanggang huwebes

May hanggang Huwebes pa ang mga kababayan nating nais magparehistro para makaboto sa May 2022 National and Local Elections bago pansamantalang suspendihin ang voter registration dahil sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Simula sa Byernes, Agosto 6 hanggang 20 ay iiral ang ECQ sa NCR.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa oras na magsimula ang implementasyon ng ECQ pansamantalang suspendido muna ang voter registration.

Ang voter registration ay matatapos sa Setyembre 30 ng taong ito.

Ayon kay Jimenez, sa ngayon hindi parin natatalakay ng Commission en banc ang posibilidad na palawigin ang panahon ng voter registration.

Madz Moratillo

Please follow and like us: