VP Leni, hindi apektado ng “ Palit-Bise “ rally

Hindi nakaapekto sa kanyang trabaho at sa paggawa ng kanyang mga mandato at serbisyo sa publiko ang “palit bise” rally.

Ito ang sinabi ni Georgina Hernadez,  ang spokesperson ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Hernandez,  nirerespeto ng bise presidente ang rally ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa 3,000 taga-Davao at mula sa ilang bahagi ng rehiyon ang nakiisa sa nasabing rally na isinagawa sa Rizal Park.

Bukod  sa mga tagasuporta, nakibahagi rin ang ilang Barangay official at mga iba’t-ibang grupo at organisasyon sa mga inihandang programa para labanan ang sinasabing impeachment complaint na isinampa laban sa Pangulo.

Matiwasay naman na nagtapos ang aktibidad kaninang alas-12:00 ng madaling araw at  ilan sa local artists ang nakibahagi.

Umiwas naman na magkomento si Pangulong Duterte hinggil sa “Palit Bise” rally.

 

Please follow and like us: