VP Robredo, sasampahan na ng impeachment complaint

Nagkaroon pa ng mainitang pagtatalo sa isinagawang press conference ng mga abogadong maghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Itoy matapos mausisa  kung sino ang nasa likod ng pagsasampa ng reklamo sa kamara.

Ayon kay Atty. Bruce Rivera, sarili nilang desisyon ang paghahain ng kaso at walang nag-uudyok sa kanila.

Si Rivera ay unang nakilala bilang abogado ni Janet Lim-Napoles, at ngayon ay nangunguna na sa filing ng impeachment case laban kay Robredo.

Bagaman aminado itong may mga nagpahayag na ng suporta, hindi sila naghihintay sa kumpas ng sinumang kilalang personalidad para ituloy o iurong ang complaint.

Please follow and like us: