VP Sara unang naging agenda ang pagreview sa panukalang budget sa 2023

Sumabak na sa kaniyang trabaho sa Department of Education si Vice president Sara Duterte kung saan ang kaniyang unang naging agenda ay ang pagreview sa panukalang budget sa susunod na taon.

Ang panukalang budget kasi ay kinakailangang isumite ng bawat tanggapan sa Department of Budget and Management o DBM bago matapos ang Hulyo para maisumite naman sa Kongreso.

Pagkatapos ng trabaho sa Deped nagtungo si Duterte sa isang hotel sa Makati kung saan nag courtesy call sa kanya si Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Kasama sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Tumagal ang meeting ng mahigit tatlumpung minuto.

Pero kapwa tumanggi sina Duterte at Wang Yi na magbigay ng statement sa media.

Pero personal na inimbita ng pangalawang Pangulo si Wang Yi na magtungo rin sa Davao city.

Bukod sa Pilipinas, nauna nang binisita ni Wang Yi ang mga bansa sa ASEAN tulad ng Myanmar,Thailand ,Indonesia at Malaysia.

 Meanne Corvera

Please follow and like us: