Wala pang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa pilipinas – DOH

Kinumpirma ng Department of health na wala pang kumpirmadong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III , hindi dapat maniwala sa mga nagpapakalat ng pekeng impormasyon.

Tanging ang DOH at Malakanyang aniya ang maglalabas ng opisyal na impormasyon hinggil dito.

Sinabi pa ng kalihim maari silang makapaglabas ng datos pagkalipas ng dalawang linggo dahil nangangalap pa ng datos ang Philippine genome center.

Aminado si Duque na hindi mapipigilan ang pagpasok ng Omicron virus tulad ng delta at iba pang variant.

Maaari lang aniya itong madelay kung magtutulungan ang publiko sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na health standards.

Meanne Corvera

Please follow and like us: