Walang pasok Nov. 13, 2020

Suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa mga public schools sa lahat ng antas sa mga lugar na sakop ng Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, Cordillera Administrative Region at National Capital Region ngayong Biyernes, November 13, 02020.

Ito ang inanunsiyo ng Malacanang sa rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Tuloy naman ang pasok ng mga nasa tanggapan na ang trabaho ay may kaugnayan sa basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, at iba pang vital services.

Ipinauubaya naman ng Malacanang sa mga pribadong kumpanya kung magsususpinde rin sila ng pasok sa trabaho at sa mga pribadong paaralan.

Pinapayuhan rin ng Palasyo ang publiko na manatiling nakasubaybay sa mga weather advisory at government announcements, “stay indoors and keep safe and dry.”

Please follow and like us: