8 aplikante para sa bakanteng posisyon sa Supreme Court, pasok sa shortlist ng JBC

Nakapili na ang Judicial and Bar Council ( JBC) ng mga nominado para sa binakanteng pwesto sa Korte Suprema ni Retired Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla.

Walong aplikante ang pasok sa shortlist ng JBC na isusumite sa Malacañang para mapagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lima sa mga ito ay mahistrado ng Court of Appeals na sina Justices Ramon Cruz, Japar Dimaampao, Maria Filomena Singh, Jhoseph Lopez, at Apolinario Bruselas.

Kasama rin sa shortlist sina Court Administrator Jose Midas Marquez, Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje- Tang at dating Ateneo Law Dean Sedfrey Candelaria.

Maagang nagretiro bilang SC Associate Justice si Padilla noong November 3.

Mayroong 90 araw ang presidente mula nang mabakante ang posisyon para ito ay mapunan.

Moira Encina

Please follow and like us: