Water level ng Angat Dam at iba pang dam sa luzon, muling naragdagan

Muling naragdagan ang antas ng tubig sa mga dam sa luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA – Hydrometeorology division , naitala ang antas ng tubig ng Angat Dam kaninang alas -6:00 ng umaga sa 178.11 meters.

Mas mataas ang antas nito sa naitalang 178.05 meters kahapon.

Bukod dito , naragdagan din ang water level ng Ambuklao, Pantabangan at Magat dams.

Bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na ngayon ay nasa 99.28 meters , mas mababa sa antas nito kahapon na 99.33 meters.

Nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, at Caliraya dams.

Habang nananatili naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 79.05 meters.

Please follow and like us: