Water service interruption ng Manila Water ngayong araw, Oct. 1

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang bahagi ng Taguig city, Cainta at Taytay, Rizal.

Sa abiso ng Manila Water, sa Taguig, simula  mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ang water interruption sa bahagi ng New Lower Bicutan.

Ito ay dahil sa line maintenance activity ng Manila Water sa Sto. Tomas kanto ng Cabasaan extension.

Alas 10:00 ng gabi rin hanggang alas 4:00 ng umaga ang water interruption sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal at Barangay San Juan, Taytay, Rizal.

Ito ay dahil naman sa pipe maintenance ng Manila Water sa Buenmar Avenue kanto ng Victoria avenue.

Payo ng Manila Water sa mga maaapektuhang residente na mag-ipon ng tubig na kanilang kailangan sa nabanggit na oras.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *