Weekday schedule ng voter registration, inanunsyo ng COMELEC

Inanunsyo ng Commission on Elections na simula sa Nobyembre 9 ay magiging Lunes hanggang Biyernes na ang araw ng voter registration.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang pagbabalik sa weekday schedule ng voter registration ay upang mailaan ang araw ng sabado para sa disinfection ng Comelec offices.

Ito ay bilang pag-iingat narin lalo na at patuloy parin ang banta ng COVID-19.

Nang muling ipagpatuloy noong Setyembre a uno, ang voter registration ay itinakda ito sa araw ng Martes hanggang Sabado.

Ayon sa Comelec, ang oras para sa pagpaparehistro ay mula 8am hanggang 3pm.

Patuloy naman ang paalala sa mga magpupunta sa tanggapan ng poll body na tiyaking may suot na face mask at face shield, magdala ng sariling ballpen at sumunod sa physical distancing.

Paalala naman ni Jimenez para sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine ay nananatili paring suspendido ang voter registration.

Madz Moratillo

Please follow and like us: