1.6 bilyong pisong target collection ngayong buwan, naabot ng BOC-Port of Subic

Epektibo ang mga ipinatutupad na programa ni Customs Commissioner Isidro Lapeña kaya naabot ng Bureau of Customs Port of Subic ang target collection ngayong buwan na 1.6 bilyong piso.

Ipinagmalaki rin ni Post of Subic collector Boying Villanueva sa panayam ng Radyo Agila na ito ay dahil sa pagsunod ng kaniyang mga tauhan sa mga alituntunin at Priority programs ni Commissioner Lapeña na binubuo ng: Stop Corruption, Increase Revenue collection, Ensured Trade facilitation, Strengthen anti-smuggling at Enhancing welfare of personnel.

Dahil rin sa maigting na pagpapatupad ng mga nasabing programa ay nakasisiguro silang wala nang magtatangkang magpuslit ng kanilang mga shipment sa pamamagitan ng Misdeclaration o Under-evaluation.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *