1 Patay, 11 sugatan sa Forest Fire sa South Korea

Isa na ang patay  habang 11 naman ang sugatan sa wildfire sa South Korea.

Nabatid na short circuit sa isang poste ng kuryente ang dahilan ng sunog.

Hindi namalayan ang sunog kaya lumaki ito at tinupok ang mahigit 25 ektarya ng lupain kabilang ang daan-daang mga bahay.

Bukod sa bilang ng namatay  at nasugatan, umabot na sa level 3 ang nararanasang malawakang sunog.

Hindi na kinakaya ng mga bumbero ang malaking apoy kaya tumulong na ang ibang mga otoridad sa paglikas sa mga residente.

Unang nagdeklara ang gobyerno ng South Korea ng National Disaster bunsod ng wildfire sa bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *