11 pang OFWs, irere patriate mula sa Libya

Labing-isa pang Pinoy mula sa Libya ang nakatakdang ire-patriate pabalik ng Pilipinas.

Ayon kay Charge de Affaires Elmer Cato, ang naturang mga Pinoy ay inilikas mula sa Tripoli .

Dahil dito, umabot na sa 55 ang nailikas mula nang sumiklab ang bakbakan sa naturang bansa.

Nauna nang nagpatupad ng mandatory repatriation ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa naturang bansa dahil sa lumalalang karahasan doon.

Aminado naman ang mga opisyal ng Embahada na nahihirapan silang kumbinishin ang mga Pinoy at marami pa rin sa kanila ang ayaw lumikas dahil nanghihinayang sa mawawalang trabaho.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *