2 illegal recruiter sa Antipolo City, naaresto ng CIDG Anti Transnational Crime Unit

Arestado sa entrapment operation ng CIDG Anti Transnational Crime Unit sa Antipolo City ang maglive in partner na sangkot sa illegal recruitment.

Nakilala ang dalawang suspek na sina Leonora Ambat , 49 years old at Rey Rioveros Riego, 28 taong gulang na kapwa residente ng Antipolo City .

Ikinasa ang operasyon base sa reklamo ng tatlong biktima na hiningan umano nila ng 15-25 libong piso kapalit ng pangakong makakapagtrabaho sila sa japan bilang farm worker.

Pero makalipas ang ilang buwa,hindi pa rin nakakaalis ang mga biktima.

Nang beripikahin ng CIDG sa POEA, lumalabas na wala pa lang lisensya ang dalawa para mag recruit.

Dahil dito , sasampahan sila ng kasong estafa at illegal recruitment.

Nanawagan naman ang CIDG sa iba pang nabiktima ng mga suspek na agad dumulog sa kanilang tanggapan para sa pagsasampa ng karagdagang kaso.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *