2 lalaki, inanod sa ilog ng San Jose, Rizal

Puspusan ang isinasagawang search and rescue operation ng Rodriguez Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO sa dalawang lalaki na inanod sa ilog ng San Jose, Rodriguez, Rizal pasado alas kwatro ng madaling araw.

Ayon kay Charlie Labez ng Rodriguez MDRRMO, kabilang sa hinahanap sina Eben Selga at Lander Ranara, pawang 21 taong gulang.

Maswerte namang nakaligtas ang isa pa nilang kasama na si Joric Velasco ganap na syang nagreport sa insidente

Base sa pahayag ni velasco, tumatawid sila sa ilog sakay ng motorsiklo nang biglang rumagasa ang tubig dahilan para tangayin sila ng agos.

Agad naman daw na nakatalon si Velasco at nakaligtas, habang tuluyan naman inanod sina Selga at Ranara.

Nakipag-uganayan na rin sila sa San Mateo MDRRMO para tulungan sila sakaling anurin ang dalawang biktima sa kanilang lugar.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *