5 aktibong pulis na kabilang sa panibagong drug matrix ni Pangulong Duterte, sinibak sa puwesto.

Ipinag utos na ng pamunuan ng Philippine National Police ang pagsibak sa pwesto sa limang aktibong pulis na kasama sa panibagong drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte

Kasama na rito sina Police Senior Supt.Leonardo Suan, Police Supt Lorenzo Bacia, Police Insp Lito Pirote, Police Insp Conrad Caragdag at si SPO4 Alejandro Liwanag.

Sa direktiba na inilabas ng PNP, pansamantala munang itatalaga ang limang opisyal sa police holding and accounting unit o PHAU sa kampo crame.

Itoy para mas madali silang ipatawag oras na kailanganin sa isinasagawang imbestigasyon na isinasagawa ng Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *