5,000 trabaho sa mga hotel sa Israel bukas para sa mga Pinoy

 

Magkakaroon ng 5,000 trabaho para sa mga Filipino sa mga hotel sa Israel.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nagsabi ang iIrael na mas gusto nila ang mga pinoy para sa naturang mga trabaho.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala pang job orders o guidelines pero inaasahan na plantsado na ito sa Nobyembre.

Ayon sa kalihim, maganda ang sweldo para sa hotel jobs sa naturang bansa.

Kung ang mga caregiver anya ay tumatanggap ng $1,350 hanggang $2,000 kada buwan, posibleng parehong sweldo rin para sa hotel workers.

Isa sa mga requirements ng aplikante na gustong makapasok sa Hotel and Restaurant industry ang certificates mula sa Technical Education and Skills Authority (TESDA).

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *