60 million pesos na ginastos ni dating Tourism Secretary Wanda Teo sa TV program ng kaniyang kapatid, hindi pa naisasauli

Hindi pa natatanggap ng Department of Tourism o DOT ang 60 million pesos na inilaan ni dating Secretary Wanda Teo sa programa ng kaniyang kapatid sa isang programa sa telebisyon.

Ito ang kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Puyat matapos syang sumalang sa kumpirmasyon.

Kahapon aniya ang pangako ng magkapatid na Ben at Erwin Tulfo ng Bitag na ibabalik ang 60 million pesos na ibinayad ng DOT para sa Ads placement pero wala pa silang natatanggap.

Sinabi ni Puyat na ipinauubaya na ng DOT sa Commission in Audit ang kaso dahil ito ang mag iisyu ng notice of disallowance.

Nagsagawa na rin aniya ng hiwalay na imbestigasyon ang Ombudsman hinggil dito.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *