3 sundalo patay sa road-side bombing sa Afghanistan

 

                                                      photo credit: www.thenational.ae

Patay ang tatlong sundalong Amerikano matapos ang roadside bombing sa Afghanistan.

Naganap ang insidente sa probinsiya ng Ghazni sa Afghanistan kung saan kasama sa NATO-led resolute support mission ang mga napatay na sundalo.

Inako naman ng Taliban insurgents ang nasabing atake.

Kontralado kasi ng Taliban ang Ghazni province na makailang beses na silang nagsagawa ng raid sa iba’t-ibang bahagi ng lugar.

Aabot na sa 11 mga sundalong amerikano ang namatay sa Afghanistan ngayong taon.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *