9 patay, 160 sugatan sa pananalasa ng typhoon Jebi sa Japan

                                               photo credit: www.japantimes.co.jp

Siyam  katao  ang patay habang nasa 160 ang sugatan sa pananalasa ng typhoon Jebi sa Southwestern Japan.

Libu-libo na ang nagsilikas partikular sa Kansai region at Shikoku island kung saan nasa 1.8 milyong kabahayan ang walang kuryente.

Ayon sa mga otoridad, kanselado rin ang mga biyahe ng mga eroplano makaraang malubog sa baha dulot ng naglalakihang along humahampas sa Kansai International airport sa Osaka.

Tumagilid din ang ilang sasakyan habang napinsala ang bahagi ng tulay na patungong airport.

Ang typhoon Jebi ang pinaka-malakas na bagyong nananalasa sa Japan sa nakalipas na 25 na taon.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *