Barbara Bush, pumanaw sa edad na 92

Pumanaw na si Barbara Bush, ang maybahay ni dating US President George H.W. Bush at ina ng ika-43 Presidente ng Amerika na si George W. Bush.

Ang pagkamatay ni Barbara Bush ay kinumpirma ng tagapagsalita ng pamilya bush na si Jim McGrath.

April 17, 2018, oras sa Amerika nang pumanaw ang dating unang ginang.

Noong april 15 inanunsyo ng pamilya na hindi na maganda ang lagay ng kalusugan ni Barbara at nagpasya ito na huwag nang sumailalim sa medical treatment.

 

==============

 

dumanas ng chronic obstructive pulmonary disease at congestive heart problems si bush sa nagdaang mga taon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *