Bus nahulog sa ilog sa Kenya, 17 patay

                                                photo credit: xinhuanet.com

 

Labingpito (17) katao ang patay habang 46 naman ang nasugatan matapos mahulog sa ilog ang isang bus sa Narok, Kenya.

Ayon sa Xinhua news agency, patungo sa Nairobi ang bus galing sa Hima Bay County nang mawalan ng kontrol ang driver ng bus sa manibela nito.

Sinabi ni Narok County Commissioner George Natembeya, iniwasan ng driver ang kasalubong na truck kaya ito nahulog sa ilog.

Nangyari ang insidente sa Siyiapei River sa Narok-Maai Mahiu road.

Sa tala ng National Transport safety authority ng Kenya , tinatayang 3,000 Kenyans ang namamatay sa aksidente kada taon.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *