Gulf Arab States, sinisi ng lider ng Iran sa nangyaring pamamaril sa Military parade

 

                                                     photo credit: cnn.com

Inaakusahan ni Iranian supreme leader Ayatolla Ali Khamenei ang mga US-backed Gulf Arab states, sa nangyaring pamamaril sa isang Military parade na ikinasawi ng 25 katao.

Bunsod nito, naglabas ng kautusan si Khamenei sa kanilang security forces na papanagutin ang mga responsable sa likod ng insidente.

Nabatid na sa 25 kataong napatay, halos kalahati rito ay miyembro ng Elite Revolutionary guards ng bansa.

Dahil sa alegasyon na ito ni Khamenei, inaasahang tataas ang tensyon sa kalabang bansa ng Iran na Saudi Arabia at mga Gulf allies nito.

Gayunman, tumanggi si Khamenei na pangalanan ang Regional states sa sinasabi niyang dapat papanagutin sa pamamaril.

 

=================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *