Hurricane Lane, ibinaba na sa Category 1 habang nananalasa sa Hawaii

                                                             photo credit: abcnews.com

 

Ibinaba na sa Category 1 ang Hurricane Lane na nananalasa ngayon sa Hawaii.

Ayon sa Weather at Civil Defense officials, matitinding pag-ulan at flashfloods ang nararanasan sa malaking bahagi ng isla.

Taglay ni Hurricane Lane ang lakas ng hanging aabot hanggang 85 MPH o 140 KPH.

Naitala ang Hurricane conditions sa Maui at Oahu na most populous island sa Hawaii.

Itinaas naman ang tropical storm watch sa Kauai island.

Mahigpit ang kautusan ng Federal Emergency Managment agency sa mga residente na tumalima sa mga babala na ipinalalabas ng mga local officials.

Inaasahan namang hihina ang Hurricane sa susunod na 12 oras habang binabagtas ang hilagang bahagi ng isla.

 

==========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *