Snowfall naranasan sa India, nagresulta ng malawakang blackout

                                                  photo credit: www.dnaindia.com

 

Nakaranas ng matinding snowfall sa India na nagresulta ng pagkawala ng suplay ng kuryente.

Sa buong Kashmir valley, dalawang araw nang walang kuryente.

Ito ay makaraang mabagsakan ng mga puno ang ilang kawad ng kuryente sa lugar.

Maliban sa malawakang blackout, maraming lansangan din ang naapektuhan dahil sa kapal ng snow.

Maituturing na unseasonal ang snowfall sa Himalayan states sa India dahil hindi naman ito normal na nangyayari kapag Nobyembre.

Taun-taon, Disyembre at Pebrero nakararanas ng snowfall sa India.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *