Alagang Peacock, tinangkang isama sa flight ng isang pasahero

Isang ang peacock na tinangkang isama ng kaniyang amo sa kaniyang flight.

Ayon sa Newark International Airport, i-binook ng sariling flight ticket ng pasaherong si Sherri Ross ang kanyang alagang peacock, at sinama sa loob ng airport.

Ngunit hinarang agad siya ng Airport personnel dahil bawal ang hayop sa loob ng paliparan.

Paliwanag ng pamunuan ng paliparan, hindi nakapasa ang peacock sa ilang kadahilanan, gaya ng bigat at size nito.

Ipinaliwanag na nila ito sa mga customers sa tatlong magkakahiwalay na okasyon bago sila dumating sa airport.

Wala namang nagawa ang pasahero, kaya nagdesisyon na lamang  siya na hindi sumama sa flight at samahan na munang umuwi ang kaniyang alaga.

 

==========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *