Alert level 1 itinaas na ng DFA sa Guam at Mariana Islands

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang alert level 1 sa  Guam at Northern Mariana Islands at hinimok ang mga Filipino na maging alerto at i-monitor ang sitwasyon sa gitna ng bantang pag-atake ng North Korea.

Sa ilalim ng alert level 1 o precautionary phase, dapat kilalanin ng mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho  sa Guam na hindi ordinaryo ang sitwasyon  kaya dapat itong tutukan.

Kabilang sa mga dapat ihanda ang passport at iba pang dokumento lalo ang bag na may mga supply gaya ng pagkain at tubig.

Samantala, muling tiniyak ni  Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano na nakalatag na ang kanilang  contingency plan sa Guam maging sa South Korea sakaling mauwi sa bakbakan ang hamunan ng Amerika at NoKor.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *