Asian Games Gold medalist Hidilyn Diaz, may karagdagang cash gift

 

Nadagdagan pa ang mga cash gift na matatanggap ni Asian Games Gold Medalist Hidilyn Diaz.

Napagkasunduan ng mga Senador na pagkalooban si Diaz ng dalawang milyong piso bilang pagkilala sa pagbibigay nito ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng tinamong gintong medalya sa weightlifting.

Sa kabuuan, umaabot na sa pitong milyong piso ang matatanggap na cash gift ni Diaz.

Una nang nangako ng isang milyong piso ang Siklab foundation, dalawang milyong piso mula sa Philippine Olympic Committee, dalawang milyong piso mula sa gobyerno at isang milyong piso naman mula kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee.

Bukod sa cash incentive, maghahain naman ng resolusyon si Senador Sonny Angara para kilalanin ang naging pagsisikap ni Diaz at ng buong Philippne Asian game delegation.

Samantala, isang hero’s welcome rin ang naghihintay kay Hidilyn sa Pilipinas na inaasahang sasalubungin ng kanyang mga kasamahan sa Philippine Air Force at pamilya sa Mampang, Zamboanga city.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *