Babae, patay matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Quezon City

 

Natagpuang nakasalampak sa driver seat ang isang babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harapan ng isang establisimyento sa Mindanao avenue, Quezon City.

Ayon sa mga nakasaksi, inabangan ng mga suspek ang biktima saka walang habas itong pinagbabaril.

Kinilala ang biktima na si Consuelo Soliveres Go.

Limang putok ng baril ang pinakawalan ng mga suspect laban sa biktima.

Nagpagewang-gewang ang takbo ng kotse at nang mawalan ng malay ang driver nito ay sumalpok na ito sa nakaparadang SUV.

Ayon sa pulisya, mabilis na nakatakas ang mga suspect matapos isagawa ang pamamaril.

Inaalam na ng pulisya ang mga pagkakakilanlan ng mga suspect at ang motibo ng mga ito sa krimen.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *