Babae, sugatan matapos tangkang patayin ng sarili nitong anak sa Zamboanga del Sur

Sugatan ang isang nanay matapos pagtatagain ng sariling anak sa Purok 3, Barangay Dagohoy, Bayan ng Guipos, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Filipa Quirog, 55 anyos habang ang anak nitong suspek ay kinilalang si Serito Quirog, 38 anyos na pawang residente sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Guipos Municipal Police Station, bago naganap ang pananaga, ang biktima ay kumakain lamang sa loob ng kanyang bahay.

Ngunit bigla umanong dumating ang suspek sa bahay ng biktima at pinagtataga ng nasabing suspek gamit ang isang itak.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad dinala sa pinakamalapit na ospital.

Agad naman tumakas ang suspek papuntang Barangay Poblacion ngunit sa isanagawang hot pursuit operation ng Guipos-PNP ay matagumpay rin itong naaresto.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang itak na may habang labin walong pulgada at isang kutsilyo na may taas siyam na pulgada.

Ayon sa suspek na si Serito nagawa lang umano niya ang krimen dahil palagi umano siyang pinapagalitan ng kanyang ina.

Kasalukuyan ng nakakulong sa Guipos Municipal Police Station ang naarestong suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

 

Ulat ni Ferdinand Libor

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *