Bilang ng mga namatay sa tigdas, umakyat na sa 70 katao

 

Umaabot na sa 4,300 ang naitalang kaso ng tigdas  sa bansa.

Pitumpu (70) naman ang kumpirmadong namatay.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo batay ito sa latest report ng Department of Health (DOH).

Aminado si Domingo na sa nakalipas na lima hanggang sampung taon ay  hindi naaabot ng pamahalaan ang 90 percent  target nito  sa immunization program.

Nasa 70 – 80 percent lamang umano nang target nilang bilang ng kabataan  ang nababakunahan.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *