Cancelled flights ngayong araw hanggang Lunes, umabot na sa 168

Umaabot na sa 168 ang kanseladong mga flights dulot ng bagyong Ompong ngayong araw hanggang Lunes.

Kabilang na rito ang 46 na flights ngayong araw palabas ng Metro Manila patungong Hongkong, Xiamen, China at walong flights mula sa Guanzhou China patungong Metro Manila.

Kanselado rin ang 69 na Domestic flights mula Manila patungong Tuguegarao sa Cagayan, Cauayan sa Isabela, iloilo sa Cebu.

Inianunsyo na rin ng MIAA na kanselado ang 45 flights bukas September 16 Linggo mula Hongkong to Manila, Guangzhou, China to Manila, Manila to Hongkong at Manila, Macau, Manila.

Kasama rin dito ang flights mula Manila patungong Batanes.

Walong flights na rin ang kanselado sa Lunes, Sept. 17 mula Manila patungong Hongkong at pabalik ng Metro Manila.

Sa Hongkong inaasahang dadaan si Ompong paglabas nito sa Ilocos Norte bukas.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *