CCTV footage ng ambush kay Labor officer Helen Dacanay, inilabas na ng MPD

Inilabas na ng pulisya sa publiko ang mga kuha sa cctv at mukha ng mga suspek sa pagpatay sa senior officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si Helen Dacanay.

Mismong sina National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas at Manila Police District (MPD) Chief Bernabe Balba ang nanguna sa presentasyon at pagbibigay ng update sa kaso ng pamamaslang kay Dacanay.

Kitang-kita sa CCTV ang nangyaring pamamaril sa sasakyan ni Dacanay.

Batay sa CCTV footage, may dalawang lalaki na tumawid ng kalsada at pagkatapos ay biglang pinagbabaril ang paparating sasakyan ni Dacanay at pagkatapos ng pamamaril ay mabilis na tumakbo ang dalawang suspek sa kanilang nakaparadang motorsiklo at nagmamadaling tumakas.

Una ng tinambangan ng mga suspek si Dacanay sa bahagi ng Malvar street sa Malate nitong Lunes.

Ligtas naman ang isang kasama ni Dacanay na nagtatrabaho rin sa DOLE na si Atty. Agata Ann Daquigan.

Tiniyak naman nina Sinas at Balba na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Dacanay.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *