Convicted rapist Antonio Sanchez hindi na dapat palayain sa kulungan – ayon sa isang Senador

Hindi na raw dapat umasa ang convicted rapist na dating Calauan mayor Antonio Sanchez na makakalaya pa. 

Sinabi si Senador Christopher Bong Go na kasama siya sa mga haharang oras na aprubahan ng Board of Pardon and Parole (BPP) at Department  of Justice ang paglaya ni Sanchez.

Iginiit ni Go na dapat pagbayarin si Sanchez sa mga kaso ng karumal-dumal na pagpatay. 

Naniniwala ang Senador na mas ligtas pa sa New Bilibid Prison si Sanchez kaysa lumabas na maaring magpaikli sa kanyang buhay. 

Suportado naman ni Senador Juan Miguel Zubiri ang online petition na nananawagan para harangin ang posibleng pagpapalaya kay Sanchez

Bilang alumni ng UP Los Baños, sinabi ni Zubiri na kailangang magsalita at labanan ang desisyon ng doj at  hindi sya papayag na magkaroon ng injustice. 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *