Dagdag-sahod sa mga manggagawa sa Davao Region epektibo ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang dagdag sahod sa mga manggagawa na nasa Davao region.

Sa abiso ng National Wages and Productivity Commission, mula sa dating 340 piso ay magiging 370 piso na ang minimum wage ng mga manggagawa sa rehiyon.

Ppara naman sa mga nagtatrabaho sa Agriculture sector ay magiging 365 piso na ang minimum wage mula sa dating 335 piso.

At sa mga kumpanya na ang empleyado ay hindi lalagpas sa 10 ay magiging 355 piso na ang minimum na suweldo mula sa dating 325 piso.

Sa February 16, 2019 ipatutupad ang ikalawang bugso ng pagtaas ng sahod sa mga manggawa sa Davao region kung saan 26 piso pa ang idaragdag sa minimum wage.

 

====================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *