Dalawang Chinese fugitive arestado sa NAIA ng mga tauhan ng BI at PNP

Timbog ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration o BI at PNP Aviation Security Group ang dalawang puganteng Chinese sa NAIA Terminal 1.

Batay sa report ng BI na ipinadala sa DOJ, ikinasa ng BI-Fugitive Search Unit at PNP -AVSEGROUP ang operasyon laban sa Chinese fugitive na si Miao You Chun sa bisa ng warrant of detention na inisyu laban dito.

Wanted sa kasong economic crimes sa China si Chun.

Ayon sa Chinese Embassy, isang undocumented alien si Chun at banta sa seguridad at kaligtasan ng publiko.

Una na ring kinansela ng Chinese government ang pasaporte ng banyaga.

Samantala, nagresulta naman ang nasabing operasyon sa pagkakaaresto ang isa pang puganteng Chinese na kinilalang si Shi Hongye.

Ito ay matapos si Hongye ang lumitaw sa target area sa halip na si Chun.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *