DAR Sec. Rafael Mariano bigo pa ring makumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments

Bigo pa rin si DAR Sec. Rafael Mariano na makumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Sa  pagdinig ng CA, hinaharang ng ilang biktima sa Hacienda Luisita at Lapanday Food Corps ang ad interim appointment ni Mariano.

Reklamo ng Lapanday, may pending silang kaso laban kay Mariano sa Ombudsman.

Ito’y ang kaso ng pagpapalabas ng cease and decist order ng DAR pabor sa  Madaum Agrarian Reform beneficiaries Inc o Marbai.

Dahil sa nabanggit na CDO, hindi na ma-evict ng LFC ang Marbai na pumasok sa San Isidro partikular sa Sanid farm noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Pero dependa ni Mariano ginawa niya lang ang kanyang trabaho para protektahan ang mga magsasaka.

Ipagpapatuloy ng CA ang hearing ng confirmation ni Mariano bukas at inaasahan na matatapos na makapagpresinta ng kanilang opposition ang 7 pang nalalabing mga oppositor sa confirmation ng kalihim.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *