Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sumuko na sa Korte

Sumuko na sa korte sa Albay si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Si Baldo ay nahaharap sa dalawang counts ng murder at anim na counts ng frustrated murder kaugnay sa pagpatay kay AKO BICOL partylist representative Rodel Batocabe.

May kinakaharap din ang alkalde ng kasong illegal possession  of firearms.

Alas ocho y medya ng umaga ngayong Biyernes nang magtungo at sumuko sa Legazpi RTC Branch 10 si Baldo.

Kasama ni Baldo ang kanyang pamilya at abogado.

Ikukulong ang mayor sa Legazpi City Jail.

Itinakda naman ng korte ang arraignment o pagbasa ng sakdal kay Baldo sa Mayo 30.

Makakatunggali sana ni Baldo si Batocabe sa mayoralty race sa Daraga sa darating na eleksyon.

pinagbabaril si Batocabe lasama ang police escort nito ng mga salarin noong December 22, 2018.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *