Dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Deguito, hinatulang guilty ng Makati RTC sa walong kaso ng money laundering kaugnay sa Bangladesh bank cyberheist

Hinatulang guilty ng Makati RTC Branch 149 sa walong kaso ng money laundering si dating RCBC Jupiter branch manager Maia Deguito

Ito ay kaugnay sa 81 million dollars na nakaw na salapi mula sa Bangladesh Bank na idinaan sa RCBC Jupiter Branch.

Ang kaso laban kay Deguito ay nag-ugat sa over the counter withdrawal ng 14.3 million US Dollars na bahagi ng 81-million dollars na laundered fund.

Sa 26 pahinang desisyon na may lagda ni Judge Cesar Untalan, sinabi na kumbinsido ito na dapat managot si Deguito sa walong kaso ng money laundering.

Tinawag pa ng korte na kasinungalingan ang depensa ni Deguito na wala siyang kinalaman sa transaksyon ng nakaw na salapi dahil bilang branch manager ng bangko ito ang may command responsibility.

Kumbinsido rin ang korte na mayroong full knowledge si Deguito sa iligal na pinagmulan ng mga salapi.

Kaugnay nito, pinatawan ng hukuman si Deguito ng parusang apat na taon hanggang pitong taon pagkakakulong sa bawat walong kaso at multang mahigit 109.52 million US dollars.

Ang mga kaso laban kay Deguito ay inihain ng DOJ noong 2017.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *