DOJ pinadalhan na ng subpoena ang kapatid ng pinatay na negosyanteng si Dominic Sytin para sa pagdinig ng mga reklamong isinampa laban dito ng pulisya

Pinasisipot ng DOJ panel of prosecutors ang kapatid ng pinaslang na negosyanteng si Dominic Sytin sa pagdinig sa mga reklamong murder at frustrated murder na isinampa laban dito ng pulisya.

Batay sa subpoena na ipinadala ng DOJ na may lagda ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, inatasan nito si Dennis Sytin na humarap sa preliminary investigation sa Abril 1 sa ganap na alas dos ng hapon sa DOJ.

Pinagsusumite rin ng DOJ si Dennis ng kontra-salaysay sa mga isinampang reklamo laban dito ng pulisya ng Olongapo City at ng byuda ni Dominic.

Si Dennis Sytin ang itinuturong utak sa pagpatay sa kapatid na si Dominic na pinagbabaril sa tapat ng isang hotel sa Subic Freeport Zone sa Olongapo noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Inamin ng gunman na si Edgardo Luib na si Dennis ang nag-utos na patayin ang kapatid.

Kasama sa kinasuhan ng Olongapo City PNP si Luib at ang dating empleyado ni Dominic sa United Auctioneers Incorporated na si Oliver Fuentes alyas Ryan Rementilla na sinasabing kasama sa pagplanong paslangin ang negosyante.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat ang away ng magkapatid sa shares at kontrol sa United Auctioneers.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *