Beteranong aktor na si Spanky Manikan, pumanaw na

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Spanky Manikan sa edad na 75.

Kinumpirma ito ng maybahay ni Spanky na si Susan Africa.

Si Spanky ay may iniindang stage 4 na Lung cancer kung saan nagpabalik-balik na ito sa ospital noong nakaraang taon.

Agosto ng 2017 nang mag-organisa ang ilan niyang mga kaibigan ng Sunday for Spanky fund raising campaign para makatulong sa kaniyang mga bayarin sa pagpapagamot nito.

Si Spanky ay nakilala sa kaniyang mga karakter sa ilang mga pelikula  gaya ng “Maynila sa kuko ng Liwanag”, “Bona”, “Broken Marriage”, at “Himala” kung saan kinilala ito bilang Best Supporting actor noong 1981 Metro Manila film festival.

 

=== end ===

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *