Boyce avenue rock band, babalik sa Pilipinas para sa one-night show

Babalik sa bansa ang rock band na Boyce Avenue para sa isang gabing show sa June 1 sa Araneta Coliseum.

Ang Boyce avenue band ay kinabibilangan ng magkakapatid na Manzano na sina Alejandro, Fabian at Daniel.

Huli silang nagtungo sa Pilipinas noong nakaraang taon kung saan nagkaroon sila ng City Tour kabilang ang Maynila, Cebu, Cagayan de Oro, Bacolod at Baguio.

Naging tanyag ang banda mula pa noong 2007 sa kanilang acoustic covers ng mga popular na awitin.

Makakasama ng Boyce avenue sa nasabing show si Moira dela Torre.

 

==========

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *