Drew Barrymore, babalik ng Pilipinas para i-promote ang kaniyang Netflix series


Sa susunod na linggo na ang nakatakdang pagbabalik sa bansa ng Hollywood star na si Drew Barrymore.

Makakasama ni Barrymore ang aktor na si Timothy Olyphant para i-promote ang second season ng kanilang serye sa Netflix na Santa Clarita diet.

Dadalo ang dalawa sa premiere night sa SM Megamall sa Lunes at ang isa pang red carpet event bago ang Premiere night.

Noong nakalipas na taon, nagulat ang marami nang kumalat sa Social media ang larawan ni Barrymore habang nasa isang mall nang una itong magtungo sa bansa.

Hindi kasi inanunsyo ang pagdating noon ng aktres.

 

===============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *