Farewell Tour ni Country singer Kenny Rogers, pinutol dahil sa problema sa kalusugan

Pinutol ng country singer na si Kenny Rogers ang kanyang farewell tour dahil sa problema sa kalusugan.

Ayon sa kampo ng 79-year old na singer, pinayuhan si Rogers ng kanyang mga doktor na kanselahin ang lahat ng kanyang performances hanggang sa katapusan ng taon para makapag pokus siya sa recuperation.

Sa nakalipas na dalawang taon ay nagtu-tour si Rogers at ang star studded farewell concert sana nito ay gagana pin sa Oktubre sa Nashville.

Kabilang sa kinansela ni Kenny Rogers ang 2-night concert nito sa Beacon theater sa New York at ang kanyang pagharap sa Stage Coach country festival sa California.

Sumikat ang Texas-born singer sa pamamagitan ng kanyang collaboration kay Dolly Parton at ang kanyang mga paglabas sa pelikula at telebisyon, lalu na sa “The Muppet show.”

 

=====================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *