Ilang mga programa ng Net 25 ginawaran sa 2018 PMPC Star awards for Television

Ginawaran ng pagkilala sa 32nd PMPC Star awards for Television ang iba’t ibang mga personalidad sa telebisyon sa larangan ng drama, public affairs, news, entertaiment at marami pang iba.

Nakatanggap ng gawad ang mga programa ng Net 25 gaya ng Homework bilang Best children show, Best children show host naman si  Sally Lopez.

Best musical variety show  naman ang  Letters and Music na tinanggap naman ni Apple Chiu.

Ayon sa mga host, gagawin anila  itong inspirasyon upang mas lalo pang ipagpatuloy ang paghahatid ng education, informative at entertainment program sa mga manunood.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *