Jennifer Lopez magkakaroon ng sariling make-up line


Uso ngayon sa mga celebrity ang pagkakaroon ng sariling makeup line kaya nakiisa na rin sa beauty bandwagon ang singer/dancer/actress na si Jennifer Lopez.

Inanunsyo na ni J-Lo na mayroon siyang team kasama ang isang international cosmetic brand para ilunsad ang kanyang unang makeup line.

Sa ngayon ay wala pang detalye tungkol sa mga cosmetic products na ilalabas ni J-Lo, pero batay sa mga report ay mayroong 70 mga produktong ilulunsad si J-Lo at kabilang dito ang eyeshadow, lipstick, at makeup base.

Unang lumabas ang ugong-ugong tungkol sa beauty line matapos mag-comment ang makeup artist nito na ginamit niya ang bronzer na mismong ginawa ni J-Lo.

==================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *