Jet Li nilinaw na maayos ang kanyang kalagayan

 

Nagpasalamat ang action star na si Jet Li sa kanyang mga tagahanga na nag-alala tungkol sa kanyang kalusugan.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang litrato ni Jet Li na mukhang tumanda at wala nang buhok.

Sa official Facebook page ng aktor , tiniyak ni Jet Li sa kanyang mga fans na maayos ang kanyang kalagayan.

Sa katunayan aniya ay nananabik siyang ibahagi ang mga movie projects na kanyang gagawin.

Nilinaw din ng manager ni Jet Li na si Steve Chasman na mayroong sakit na hyperthyroidism ang action star at sampung taon na niya itong iniinda.

Ngunit paglilinaw nito, hindi naman life-threatening ang naturang sakit.

Samantala, kabilang naman sa mga proyektong nakahanay para kay Jet Li ang live-action adaptation ng ‘Mulan’ na inaasahang ipapalabas sa March 2020.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *