NSYNC, pinarangalan sa Hollywood Walk of Fame

 

Dinagsa ng libu-libong fans ang Hollywood Walk of Fame.

Ito ay dahil pinarangalan ang 90’s Boy band na NSync ng kanilang sariling star sa Walk of Fame.

Mistulang nagkaroon ng mini-reunion ang grupo na binubuo nina Justin Timberlake, Lance Bass, JC Chasez, Joey Fatone, at Chris Kirkpatrick.

Nagpasalamat si Justin sa lahat ng mga tagahangang sumaksi sa naturang awarding ceremony.

Sa kabuuan, 70 million records  ang nabenta ng NSync at mangilang beses rin silang nasali sa top charts.

Ilan sa mga sikat na kanta ng Boy band ang “Bye Bye Bye,” “Tearin’ up my heart,” at “It’s Gonna be me.”

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *